Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas

Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Incumbent
Lord Allan Velasco

mula Oktubre 12, 2020
IstiloKagalang-galang (pormal)
NagtalagaInihalal ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Haba ng termino3 taon
NagpasimulaSergio Osmeña
NabuoIka-16 ng Oktubre, 1907
HumaliliPangatlo sa Pampanguluhang Hanay ng Paghalili
WebsaytIspiker ng Mababang Kapulungan
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
Pilipinas

Ang Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang nangungunang opisyal at ang pinakamataas na opisyal sa mababang kapulungan, at ika-apat na pinakamataas at makapangyarihang opisyal sa Pamahalaan ng Pilipinas. Inihahalal ng karamihan ng mga kinatawan ang Ispiker ng Kapulungan. Ikatlo at ang huli sa pagkakasunod-sunod sa pagka-pangulo ang Ispiker, pagkatapos ng Pangulo ng Senado ng Pilipinas, at ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Maaaring mapatalsik ang Ispiker o ang Tagapagsalita sa pamamagitan ng isang kudeta, o maaaring palitan kung sakaling mamatay o magbitiw. Sa ilang pagkakataon, ang Ispiker ay maaaring piliting magbitiw sa kalagitnaan ng kanyang termino kung mawala ang suporta ng karamihan sa mga kinatawan; sa kasong iyon, isang halalan para sa bagong ispiker ang gaganapin.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne